ab imo pectore


shortcutsfan:

y cuando logramos romper esa barrera, nada nos puede detener.

(Source: the-retribution)





(Source: youjustinspiredme)



**that’s ate Fides studying for her CCNA exam

I guess this shall serve as one of my inspirations. I will make my parents proud. I’ll study harder and exert more effort para naman di ako maging kahabaghabag in the future :)


I’ll make my parents proud :)



(Source: leilockheart)



(Source: leilockheart)




ika-6 ng Abril.. 6:21 ng umaga.. Kakatapos ko lamang makipag-usap sa aming panganay na kapatid.. sa totoo lang, matagal tagal ko rin siyang hindi nakausap.. Namiss ko siya.. Gusto ko lang magsulat. hindi ko alam kung papaano ko uumpisahan ito. Nakakalungkot lang talagang isipin.. 

Magbabalik-tanaw na lamang siguro ako..

Noong bata pa kami, naaalala ko, sa ganitong mga panahon. Alas tres pa lamang ng umaga ay mulat na ang aming mga mata. Naghahanda para sa pag-alis ng tahanan. Maglilibot. Magpupunta sa ibang lugar. Ipapasyal kami ng aming mga magulang. Kay saya lang kasing balik-balikan ang mga panahong sama-sama kaming lahat. Kumpleto, kaming limang magkakapatid pati na rin ang aming mga magulang. Lulan ng aming sasakyan, magsisiksikan kaming lahat. Madalas doon kami sa likod ng Adventure ng aking kapatid kasama ang mga baong pagkain (dahil bunso kami). Magaala-contortionist para lang magkasya at kung inaantok naman, kanya-kanyang pwesto din. Naalala ko lang ang madilim ngunit mailaw na daan ng ka-Maynilaan na kay sarap pagmasdan lalo na kung bagong gising. Ang saya, sa tuwing dadaan kami sa “yatigidig road”(washboard), matutuwa na kami at madalas ay hinahanap hanap pa namin ang parte na ito ng kalsada. Sabay-sabay din kaming aawit sa saliw ng kung ano mang kanta ang tutugtog mula sa radyo. Yung panahong sobrang saya. Kay sarap lang talagang balik-balikan.

Lumipas ang mga panahon, lumalaki na kami. Dumarami ang aming pangangailangan na sa buhay kaya naman napilitang mangibang bansa ang aking ama. Nasa ika anim na baitang ako noon ng una siyang magpunta sa ibang bansa. Masakit. Masakit ang mawalay sa Ama. Pero nagtagal at parang nasasanay na kami na ganun, dahil yun talaga ang mas makakabuti.

Taon pa ang nagdaan, nagpabalik-balik ang aking ina sa ibang bansa upang bisitahin ang aking ama. Upang makatulong siyang maibsan ang kalungkutang nararamdaman nito.

2010 ata ng magtapos ng kolehiyo ang panganay naming kapatid, tulad ng aking Ama, nangibang bayan siya upang doon makapagtrabaho sapagkat kulang na kulang ang binubuksang trabaho ng pamahalaan para sa mga tulad niyang nars.

2011 hanggang kasalukuyan — mga panahon kung saan umabot sa kasukdulan ang lahat. Ang aking ama at ina ay namalagi na sa Qatar, ang aking ate Bianca sa Bahrain, ang aking tatlong kapatid sa Pampanga at ako naman sa Maynila.

siguro kung hindi pa ako nag-aral sa malayo, hindi ko malalaman kung paano ang malayo sa mga mahal sa buhay. Naranasan kong mag-isa, sa katunayan maraming araw ang bigla nalang akong mananahimik at iiyak. Namimiss ko sila. Hindi ko alam na kahit ang simpleng pagtatalo sa kung sino ang uupo sa harap ng sasakyan sa tuwing aalis, ang konting pag-aagawan sa paggamit ng computer, o kahit ung pinakasimpleng pagkikita lang naming magpapamilya ay hahanap hanapin ko. Ang sakit. Mahirap pala talaga ang mag-isa lalo na kung nanggaling ka sa sobrang sayang karanasan, hahanap-hanapin ito ng katawan mo.

Sa mga susunod pang araw, ang kapatid kong si Jerick ay mag-aaral na din sa Qatar, si ate Fides naman ay magrereview na sa Quiapo at si ate Anne ay maiiwan dito sa Pampanga. Masaklap sa isang taong tulad ko ang isipin ang hinaharap. Minsan naisip ko, nakamtan nga namin ang ganitong buhay, watak-watak naman kami. Hindi naman kami madalas magkita ni magkausap man. ALAM MO BA, Pagkumakain ako sa labas at may nakikita akong masayang pamilya, hindi ko mapigilang malungkot, hindi ko mapigilang mainggit. Makasarili man kung isipin mo, pero sumagi na sa isipan ko na sana hindi nalang kami nagkaganito. Mas masaya pa kami nung sama-sama kami. Aanhin mo ang kung anu-anong mga gadgets, ang kung anu-anong mga bagay na natatamasa mo ngayon kung wala, hindi naman kayo sama sama. Pero siyempre, kailangang intindihin ang mga nangyayari. Kung di dahil sa pangingibang bayan na ito, hindi makakapagtapos ang dalawa kong kapatid at baka natigil na din kami sa aming mga pag-aaral.

KONTING TIIS lang siguro ang kailangan namin. KONTI na lang. Sa Disyembre 2012 magsasama sama kaming lahat uli. Kahit sandaling panahon lang iyon, I’m still looking forward to it :)



(Source: sambmcfuffty)


16
To Tumblr, Love PixelUnion

We're updating Fluid!

Soon, we'll be updating the look and feel of this theme. Read about the changes here. You can easily turn off this notification in the theme customization panel.

Close